Huwag mong
husgahan ang iyong kapwa
ARALIN 1- ANG
PAGHUHUKOM
Teoryang Realismo
Teoryang Realismo
Bahagi ng isang nobelang Thai
Salin ni Lualhati Bautista
Ang panahon ng tag-ulan, nang malamig at preskong panahon na tumutulong sa mga puno para magsibol ng mga bagong dahon at humuhugas sa mga karumihan, ay hindi pa natatapos.
Pagtuloy sa pagdating ang mga araw at gabi, kahit sa anong panahon…
Ang pagdaraan ng mga araw ay sumaksi sa pagpapahid ni Fak ng balsamo sa kanyang mga sugat para mabawasan ang pamamaga sa kanyang mukha at ibsan ang sakit na nadarama ng kanyang loob. Habang dumaraan ang mga araw, ang mga sariwang sugat ay natuyo, nag-iwan ng mahabang pilat sa ibabaw ng kanyang kaliwang kilay. Ang mga araw at gabi'y patuloy na dumarating kay Fak…
Pero ang mga dumaraang mga araw at gabi ay hindi na makapagsasauli sa apat na ngiping nawawala sa bibig ni Fak, katulad ding hindi na niyon mapipigil ang kamay ni Fak sa pag-abot sa bote ng alak at pagdadala roon sa kanyang bibig. Kaya ang dumaraang mga araw at gabi ay sumaksi sa walang humpay na pag-inom ni Fak sa mga oras na siya'y gising.
Ang pambubugbog na tinanggap ni Fak ng gabing
iyon ay hindi lang nag-iwan ng sakit sa kanyang katawan kundi nag-iwan din ng
tatak sa kanyang isipan.
Sa
loob ay nakadarama siya ng galit at pangangailangang makapaghiganti, at
nag-iisip pa nga siya ng paraan kung paano niya bubuweltahin ang mga nanakit sa
kanya. Natatandaan niya nang malinaw na dalawa sa tatlong taong sumalakay
sa kanya ng gabing iyon ay sina Thid Tieng at Tid Song. Kailangang makahanap
siya ng paraan para ipatikim sa dalawang taong iyon ang sakit at kirot na
dinaranas niya. Gusto niyang puntahan ang mga ito sa bahay nila at suntukin sa
mukha o magdala ng kutsilyo at saksakin sila hanggang sa magmakaawa ang mga ito
na huwag niyang patayin. Paminsan-minsan, napapanaginipan niya na nakaupo raw
siya sa dibdib ni Thid Tieng at walang humpay na pinagsusuntok ito at paggising
niya, damdam niya'y nagawa niya talaga ang nagawa niya sa panaginip at umahon
ang kasiyahan sa loob.
Gayunman, sa pagdaraan ng mga araw, naglubag ang kagustuhan niyang makapaghiganti at unti-unti ay mabagal silang napawi ng tuluyan. Marahil ay dahil hindi si Fak ang likas na ganoong tipo ng tao. Isa siyang tao na ang gusto'y kapayapaan, na takot makipag-away at walang sapat na kalupitan para pumatay. Naisip niyang ireport sa pulisya ang nangyari pero natatakot naman na balikan siya at salakaying muli ng pamilya ng dalawa, at hindi na matatapos agad ang gulo. Nang iwan na siyang lubos ng hangarin niyang makapaghiganti, naisip na lang niya: "Kalimutan mo na iyon!"
Minsa'y ang sarili pa nga ang sinisisi niya sa pagsasabing hindi niya dapat pinukol ng niyog ang bata.

Gayunman
ay naiwan
nang wasak ang kanyang isip, tulad sa isang pirasong salamin na binasag at
paulit-ulit na dinurog. Lahat ng nangyari'y lumikha ng ganap na
pagbabago kay Fak, at kahit nagawa niyang hamigin ang sarili'y hindi na siya
magiging tulad pa rin ng dati, at mahabang-mahabang panahon bago niya maibalik
ang sarili sa normal.
Ang
buhay niya'y kontrolado ngayon ng takot. Hindi na siya makapangahas na lumabas
ng bahay niya sa gabi at hindi na kailanman nagtungo sa bahay ni Lung Khai,
maliban na lang sa kalagitnaan ng araw o sa araw ng Sabado't Linggo. Tuwing makakarinig siya ng kaluskos ng taong lumalakad
sa kanyang likuran, itutulak siya ng takot na lumingon at tumingin. Minsa'y
wala namang kahit ano roon. Kung naglalakad siya nang wala sa loob at narinig
niya ang ihip ng hangin sa mga puno, lulundag ito sa takot ang puso niya at
bibilis ang kanyang kaba. Wala siyang magagawa kundi mapako sa kinatatayuan at
pawisan. Sobra ang kanyang nerbiyos na minsa'y di niya mapaghiwalay ang
realidad ng nangyari sa kanyang mga takot at panaginip.
Natakot siya sa dilim, natakot sa malalakas na
ingay at sa mga ingay nanagpapaalala sa kanya sa mga tunog na naririnig niya
nang gabing iyon, antimanong sumayad ang takipsilim ay mabilis niyang aabutin
ang bote para uminom hanggang sa makatulog…
Ang balita ng pambubugbog kay Fak ay agad-agad na kumalat sa nayon at hindi nagtagal ay iyon na lang ang nasa labi ng mga tao, at sa ayos ay wala na iyong katapusan. Gayunman, walang bumabanggit ng tungkol sa mga taong may kagagawan ng pagkalagas ng mga ngipin ni Fak ay walang nag-abalang mag-imbestiga o magsampa ng reklamo laban sa mga taong sumalakay sa kanya. Nag-ipun-ipon ang mga tao sa nayon para pag-usapan ang nangyari ng gabing iyon.

Isang
grupo ng mga tao ang nag-usap tungkol sa iba't ibang dahilan na humangga sa
pangyayari at lahat sila'y nagkaisa na inabot lang ni Fak ang dapat sa kanya.
Bagama't sila'y walang aktibong kinalaman sa usapin, naisip din nila iyon at
ngayo'y pinag-uusapan nila iyon nang may kasiyahan…
"Sayang at hindi na siya namatay."
"Mabuti nga sa kanya."
"Mas kasalanan pang pumatay ng aso kaysa pumatay ng isang kagaya niya."
"Ang pesteng gaya ng isang 'yon! Bakit kailangang maawa sa kanya ang kahit sino?"

May iba pa, na siyang nakararami, na hindi interesado sa nangyari kayFak. Nabubuhay sila nang walang pakialam at hindi sila nag-aabala sa problema ng iba. Kapag nababanggit ang nangyari, nakikinig sila nang walang interes at hindi nagsasabi ng anumang opinyon. Wala silang ipinakikitang awa o simpatiya kay Fak kaugnay ng mga nangyayari at wala silang hangaring mapasangkot. Iisang bagay lang ang laman ng isip ng grupo ng mga taong ito…
"Wala akong pakialam."
May isa pang grupo ng tao na may makataong pakiramdam at nakadarama ng awa sa taong pinagsamantalahan o naging biktima ng pang-aapi. Pero sa nayong ito ay hindi ito marami niyon. Ilan sa kanila'y lihim nanaaawa kay Fak sa pagkakabugbog dito, bagama't hindi pa nila tinatanaggap ang katotohanan na hindi nito inaasawa ang sarili niyang madrasta. Para sa mga taong iyon, magkaibang bagay ang dalawang istorya. Gayunman, wala sa kanilang may lakas ng loob para tumulong kay Fak. Natatakot sila na sila mismo'y maging sentro ng mga tingin ng mga tao. Kaya kinimkim na lang nila ang kanilang awa sa kanilang sarili at tahimik na ipinasya na hindi dapat ginawang mga sumalakay kay Fak ang ginawa nila.
Sa grupo ng mga taong ito, si Saproe Khai lang ang nangangahas namagbaba ng sarili at tumulong kay Fak. May mga gabing pumupunta siya sa bahay nito para tumulong sa pag-aalaga dito at gamutin ang mga tinamo nitong sugat, tulad sa isang ama na nagmamalasakit sa kanyang anak…
"Ay … sobra talaga ang ginawa nila ngayon sa 'yo, ano?"
Ito ang mga unang sinabi niya ng makita niya si Fak kinabukasan ng gabing iyon. Hindi sumagot si Fak, ngumiti lang isang bunging ngiti. Marahil ay dahil masyadong masakit ang bibig niya kaya ayaw na niyang magsalita, at isa pa, wala siyang masasabi, kundi ngumiti…
Lahat ng naganap ng gabing iyon ay naging dahilan para lalo pang magkulong sa sarili niya si Fak hanggang sa maging mas tahimik pa siya sa dati, na tulad ng isang pipi…
May sapat na ideya si Mai Somsong sa nangyari kay Fak. Nagawa niyang hulaan sa pamamagitan ng mga pasa ng mga hiwa at sugat na madali namang makita. Kaya hindi niyang iniwasang sumunod sa mga ipinag-uutos ni Fak na tulad ng pagsasaing o pagbili ng alak, at sinikap din niyang huwag gaanong lumapit at abalahin ito, maliban sa kalaliman ng gabi, kapag nakatulog na si Fak sa kalasingan, ikakabit na niya ang kanyang kulambo at maghihintay siyang nakabantay. Kapag hindi na ito bumabiling o kumikilos, gagapang na siys sa loob ng kulambo nito…
Patuloy nang ginampanan ni Fak ang mga katungkulan niya bilang dyanitor ng eskuwela hanggang sa katapusan ng buwan (Agosto), at nang matanggap niya ang huling suweldo niya, itinabi niya iyon nang buo at hindi bumawas ng kaunti man para iwan sa prinsipal dahil naisip niya na ganitong wala na siyang pagkukunan ng suweldo na makukuhanan niya ng maitatabi, ang mangyayari na lang ay magwiwidro siya sa prinsipal. Kailangan niyang tipirin ngayon ang pera niya at bawasan ang paggasta sa mga bagay na di kailangan, at ang mga bagay na hindi kailangan para kay Fak ay anag tatlong beses na pagkain araw-araw. Hindi niya kailangang alalahaning masyado ang tungkol sa pagkain dahil alam niya na makakakuha siya lagi sa templo ng sapat para ibusog sa sarili kahit isa, kundi man tatlong kainan isang araw.
Mas nag-aalala siya kay Mai Somsong na hindi na makakain nang sapat araw-araw.
Kalagitnaan ng Setyembre…
Ang istorya tungkol kay Fak ay nag-umpisang mahawi sa labi ng bawat isa at hindi nagtagal ay hindi na iyon pinag-uusapan ng mga tao. Ang tanging bagay na lang na interesadong pag-usapan ng mga tao ngayon ay ang elektrisidad na ikinakabit na sa nayon. Kahit hindi sa ano pa man, maski paano'y nakatulong iyon para mamatay ang usapan tungkol kay Fak at sa kanyang madrasta…
Lahat ng tao sa nayon ay pursigidong makatulong sa mga trabahador sa paglalagay sa lugar sa mga kongkretong poste para mas mabilis na matapos ang trabaho. Nakahanda silang lahat na magsakripisyo ng lakas at salapi para sa kapakanan ng kumportableng kinabukasan at modernisasyon ng nayon.
May
mga taong nangangarap nang makapag-ari ng telebisyon,refrigerator, o
bentilador. Hindi na nila alalahanin ngayon ang pagsisindi ng gasera na hindi
pa makapagbigay ng sapat na liwanag para ilawan ang kanilang paligid. Hindi magtatagal at sa halip ay magkakaroon sila ng
mahahabang tubong fluorescent para magbigay-liwanag sa kanilang tahanan.
Magagawa niyong ilawan ang buong bahay, at sa kalaliman ng gabi, kung kailangan
nilang magpunta sa banyo, hindi nila kailangang mag-abala pa na magsindi ng
gasera at magbitbit niyon papunta sa labas. Wala silang dapat gawin kundi
pindutin ang bukasan at ang buong bahay ay magliliwanag at iglap na
matataboy ang kadiliman sa banyo. At pagdating naman sa pagpaplantsa ng
mga damit, hindi na nila kailangang magpabaga pa ng uling sa mabigat na
plantsang bakal na gaya ng ginagawa nila ngayon. Hindi na sila mamumutol ng mga
dahon ng saging para ilagay sa plantsa at hindi na nila kailangang tiisin ang
nakayayamot na ingay ng nasusunog na dahon. Hindi na sila magbubuhat ng mabigat
na plantsa at maliligo sa pawis bago matapos ang pamamalantsa nila. Sa
pamamagitan ng bagong plantsa, wala silang tanging dapat gawin kundi isaksak ito
at hintaying mag-init at, gayundin, magiging singgaan lang iyon ng pag-aangat
sa isang balahibo. Nagkuwentuhan at nag-usap-usap ang mga tao tungkol sa
pagsasaing at pagluluto ng isda, at wika nila'y hindi na sila maniningkayad
ngayon sa harap ng apoy sa loob ng kalahating oras o higit pa, na mawawala
ngayon ang kanilang pag-aalala na baka masunog o lumata ang sinaing, na hindi
na sila mag-aaksayang oras at magagamit pa nila sa ibang gawain. Sa bagong
de-koryenteng ricecooker, wala silang gagawin kundi isaksak iyon, I-set ang
orasan at iwan na, at pag handa na ang kanin, bahala na iyong kusang mamatay.
Hindi na sila ngayon mauupo sa harap ng mainit na kalan, nagbabantay at
nagpapaypay ng apoy,naggagatong ng kahoy, etsetera. Pag mayroon na silang
refrigerator, makakagawa na sila ng sarili nilang yelo at magkakaroon ng
malamig na tubig na pamatid-uhaw kahit kailan nila gusto. Makakapag-imbak sila
ng gulay at karne at magkakaroon ng sariwang pagkain sa lahat ng oras. Hindi na
sila mag-iimbak ng pagkain sa palayok para mawala lang ang lasa ng baka o baboy
na tulad ng kaso ngayon…
Ang mga bagay na ito ang mga pangarap at usapan ng buong nayon…
Hindi nagtagal at lahat ng iyon ay naging katotohanan at ang buong nayon ay nagliwanag…
Hindi natutuwa si Fak tungkol sa pagkakakabit ng kuryente at wala siyang nadaramang inggit o panibugho sa iba. Lahat ng mga oras na gising siya'y nauubos sa bote ng alak at ngayong wala na siyang responsibilidad ng pagtatrabaho, ganap nang malaya ang lahat ng araw niya. Hindi … Hindi ginamit ni Fak ang mga libreng oras niya sa paghuhukay o pagtulong sa pagtitindig ng mga poste ng ilaw gaya ding hindi niya ginamit ang mga libreng oras niya para magpunta sa kabayanan at tumingin ng mga de-kuryenteng gamit na tulad ng ginagawa ng iba. At hindi siya nakadama ng bugso ng tuwa at nagtatakbo para mag-usyoso nang makita niya ang mga taong may dalang bentilador, rice cooker, o iba pang de-kuryenteng gamit mula sa mini-bus ni Ai Kleeio na kararating lang mula sa kabayanan. Karamihan sa mga de-koryenteng gamit ay aalisin sa kahon at ididispley sa tindahan ni Pa Chua at maiipon ang pulutong ng mga tao paramag-usyoso, at alam ng lahat kung sino ang bumili ng ano. Paminsan-minsan,ang delivery van ng tindahan ng mga de-kuryenteng gamit mula sa bayan ay maghahatid ng mga refrigerator at telebisyon, o kaya'y darating ang tauhangmagkakabit ng antena ng t.v. Ito'y lagi ng tumatawag ng malaking interes at magkukulumpon ang mga tao para mag-usyoso. Sa bawat pagkakataon naidineliber ang isang gamit sa bahay ng isang tao, isang prusisyon ng mga tao ang susunod sa sasakyan at manonood sa ginagawa. Kung set ng telebisyon, mananatili roon ang mga tao hanggang sa lumitaw ang palabas sa screen. "Hindi kasing linaw ang palabas sa telebisyon sa bahay ng prinsipal, pero mas maganda ang set kaysa sa bahay ng Kamnan," kanya-kanya silang sabi ng opinyon depende sa sarili nilang palagay.
Hindi interesado si Fak alinman dito at hindi kailanman nakisali sa prusisyon ng mga tagasunod. Nasisiyahan na lang siya na hindi na siya gaanong pinapansin ng mga tao na gaya ng dati.
Ginagamit
pa rin niya ang kanyang maliit na ilawang-langis para ilawan ang kanyang bahay
at nanatiling kuntento sa kanyang lumang lutuan ng kanin at bumabagsak nang
kalan, at ang hanging umiihip sa loob ng kubo niya ay sapat na para siya
mapreskuhan. Natitighaw pa rin ang kanyang pagkauhaw ng tubig-ulan na inimbak
niya sa bariles sa tabi ng kanayang dampa at maligaya na siyang manatili sa
ganitong pamumuhay. Napakatamad niya para matuwa at hindi niya
maintindihan kung ano ang nakakatuwa. Walang bagay sa buhay niya
nakarapat-dapat pagtindigan ng pag-asa at ang tanging bagay na naghahatid sa
kanya ng tuwa ay ang pagpunta sa paradahan upang bumili ng alak…
Hindi na nag-aabala si Fak na alagaan ang kanyang sarili. Hinayaan na niyang dumumi ang kanyang katawan at hindi na tumitingin pa sa salamin para alamin ang kanyang hitsura. Nag-umpisa siyang mangamoy at nagpatuloy ang pagsama ng hitsura niya sa bawat araw na magdaan. Hindi niya namamalayan ang mga pagbabagong nagaganap sa kanya at hindi niya napapansin ang manilaw-nilaw na mantsang lumilitaw sa katawan niya o ang paninilaw ng puti ng kanyang mata.

tanging alam niya ay ang pangyayari na pag hindi siya nakainom agad pagkagising
niya, hindi siya magkakaroon ng lakas na harapin ang maghapon. Kahit tangkain
niyang angatin ang tabo ng tubig para hilamusan ang kanyang mukha, talagang ni
wala siyang lakas para gawin iyon. Manginginig ang kanyang kamay at makakadama
siya ng pagkainis. Napakalaking abala niyon para sa kanya at hindi niya
magawang iangat ang kahit ano maliban sa bote ng alak, at tuwing tutungga siya
mula sa bote, nadarama niyang bumabalik ang kanyang lakas.
Alam niyang sumasakit ang kanyang gilagid
tuwing ngunguya siya ng pagkain, at napansin niyang nag-uumpisang mamanas ang
kanyang mga paa, pero ikatuwiran niya na ito'y bunga ng labis paglakad niya at
iyon naman ay gagaling din.
Kapuri-puri ang asal ni Mai Somsong. Ang buhay niya sa piling ni Fak ay simple lang at hindi palahingi. Nagpatuloy siyang mabuhay sa dating istilo niya at kuntento na ang kayamanang iniipon niya sa kubo ay nadagdagan na at patuloy na nadaragdagan sa bawat araw.

Mga
basag na pinggan, mga bunging tasa, may lamat na baso, bao ng niyog, bulaklak
na papel, basyong lata, at iba pa. Itinatabing lahat iyon ni Fak sa kubo nang
walang pag-aalala na itatapon iyon ni Fak gaya na dati. Hindi lamang nadagdagan
ang kanyang kayamanan, kundi nadagdagan pa ang panahon niya para maupo at
hangaan ang mga iyon. Araw at gabi ay mauupo siya roon at masusing eeksaminin
ang mga ito mula sa paningin ng isang eksperto, sa paraan na sinusuri ng isang
propesyunal na kolektor ang halaga ng isang bagay sa kanyang koleksiyon.
Kapag nangyayari na masyadong natatamad si Fak para intindihin ang pagkain niya, siya mismo ang pupunta at kukuha niyon sa mga batang templo. Minsa'y aalis siyang maraming dala, minsa'y kaunti lang, depende sa kung ano ang ibigay sa kanya ng mga katulong para siya mabuhay. Ang mga gabi niya'y hindi na balisa na tulad noong mga araw na hindi siya puwedeng mahiga sa tabi ni Fak at yakapin ito sa kalaliman ng gabi.

Kahit pa kailanma'y hindi ibinili ni Fak ng
bagong damit si Nang, hindi iyon problema para sa babae. Maaari pa naman niyang
isuot ang kanyang mga lumang damit, sa kabila ng pangyayaring marurumi at punit
na ang mga iyon at naglalantad sa isang pirasong hita dito at doon. Walang
pumapansin sa kanya. Naliligo pa rin siya araw-araw, nagsusuklay ng kanyang
buhok at humuhuni ng kanyang awit pagsayad ng gabi…
Kahit naninirahan silang magkasama sa iisang bubong, ang kanilang buhay ay nasa magkalayong daigdig.
Kahit naninirahan silang magkasama sa iisang bubong, ang kanilang buhay ay nasa magkalayong daigdig.
Para
kay Mai Somsong, oras na nakakain na siya ng almusal ay lalabas na siya upang
maghanap ng kayamanan, minsa'y umaalis siya ng bahay bago pa man magising si
Fak. Hahanapin niya ang kanyang kayamanan sa lahat ng sulok na pagdalhan sa
kanya ng kanyang mga paa. Minsa'y titindig siya roon at tititig sa mga poste ng
komunikasyon na kasalukuyang itinatayo at mangunguhang mga piraso ng kawad ng
kuryente at kapag nakalikom na siya ng sapat nadami ng piraso ay babalik na
siya sa bahay. Walang pumapansin sa kanya habang
pagala-gala siya sa maghapon. Kapag napagod na siya sa kalalakad, magpapahinga
siya sa entablado ng maliit na open theater. Kapag nagutom siya, lalabas na
siya ulit.
Sa gabi, hihintayin niyang makatulog si Fak sa
kalasingan. Sa mga huling sandali bago ito maidlip, maririnig niya itong bumubulung-bulong,
"Umalis ka rito… layas! kinasusuklaman kita! magpapa-ordina ako.
Ibig kong magpa-ordina. Ikaw ang dahilan kaya sige, umalis ka rito." Ganoon lagi gabi-gabi. May mga gabing maririnig din ang musika ng chanting. Oras na makatulog na ang lalaki, ikakabit na ni Nang ang kulambo at gagapang sa loob upang matulog sa tabi ni Fak. Pagdating ng umaga, mabilis siyang lalabas bago ito magising.

Malamang
ay hindi naiintindihan ang ibig sabihin ni Fak pag sinasabi nito, "Umalis
ka… ikaw… umalis ka rito…"
Patuloy na nanatili roon si Nang at walang ipinakikitang intensiyon na umalis. O marahil ay iniisip ni Nang na nagsasalita lang ng ganoon si Fak dahil lasing ito kaya hindi niya pinapansin ang pang-aabuso ng lalaki. O maaari rin namang dahil wala siyang ideya kung saan siya pupunta. Ang buhay ni Nang ay nakatagpo na ng puwang sa nayong ito at sa ayos ay tila rito siya nakatalagang manatili. Sino ang makagsasabi…
Hindi pumatak ang ulan sa loob ng maraming araw, samakatuwid ay tapos na ang panahon ng tag-ulan. Ang pagkawala ng ulan ay proseso ng kalikasan na hindi mapipigil ninuman o maiiwasang mangyari. Dumaan ito nang matahimik at halos hindi napapansin.
Lahat ng bagong kuti sa templo ay kumpleto na ngayon at ang natitira nalang ay maliliit na trabahong magagawa ng mga trabahador. Mga isa-dalawang araw na lang para sila matapos nang husto. Ang komite ng mga sibilyan ay nagdaos ng pulong para itakda ang araw ng pag-aalay ng mga robang Kathin at disidido sila na maging araw din iyon ng paggunita sa pagkayari ng mga bagong kuti…
Anim na araw pagkaraang matapos ang Pansah, dumating ang grupo ng Kathin sakay ng tren mula sa Bangkok. Napuno ang paligid ng templo sa nangakaparadang sasakyan at pulu-pulutong na mga kabataan mula sa Bangkok ang malayang gumala sa lugar. Nakisali sa pulutong ang mga tao sa nayon at nagdagdag ng kisaw at kaabalahan, at nakisali sa merit making ceremony sa pagtatanghal ng Kathin. Madaling makilala ang mga taong lokal at mga bisita mula sa siyudad.

Nakisali
ang lahat at tumulong nang husto sa isa't isa. Pagkaraang makumpleto ang
pang-relihiyong pormalidad at mabilang na ng komite ang mga alay na salapi,
isang kinatawan mula sa bangko sa kabayanan ang dumating para kunin ang pera at
ligtas na ideposito sa bangko. Bago gumabi ay nag-umpisa nang mag-uwian
ang grupo mula sa Bangkok. Ilan sa kanila'y medyo lasing na at nag-umpisang
tumugtog ng mahahabang tambol at cymbal na nauwi sa kantahan at sayawan na
nagpasigla sa bawat isa. Natanggap na nila ang kanilang merito, nagliliwanag
ang kanilang mga mukha at maaari na silang magsiuwi nang buong kasiyahan.
Nang
gabing iyon ay isang pelikula ang ipinalabas sa templo. Ito'y bilang pagdiriwang
sa pagkayari ng mga batong kuti at sa presentasyon ng Kathin at,gayundin, para
bigyan ang mga taganayon ng pagkakataong makapagpahingang maghapong paggawa.
Pero ang mga tao'y hindi na kasinsabik na gaya noong mga nakaraan. Sabi ng ilan
sa kanila: "Mas masarap pang mahiga sa bahay at manood ng
telebisyon."
Nag-enjoy nang husto si Fak nang araw na iyon. Gumala siya sa nasasakupan ng templo at malayang nakisalamuha sa lahat. Manaka-naka'y nagpupukol siya ng tingin sa mga kabataang lalaki na nakaupo sa bus at tumutugtog sa mahahabang tambol hanggang sa lumapit na nga siya sa mga ito para makipag-inuman. Nang maging kasinlasing na siya ng mga ito, inimbita siyang mga itong sumayaw. Bagama't hindi siya dating sumasayaw, sumayaw siya sa tiyempo ng mahabang tambol. Umawit siya at sumayaw nang buong maghapon, wala kahit kaunting pakialam na pinagtitinginan siya ng iba, o kahit katawa-tawa na ang itsura niya.
Ginugol ni Mai Somsong ang maghapon sa paggala nang walang direksiyon sa lahat ng lugar. Suot niya ang paborito niyang blusa na pulang bulaklakin, na ang kulay ay kupas na ngayon, at hindi pa sapat iyon, may mga punit na sa bandang likod. Walang ganap na makapagsasabi kung gaano siya kaligaya, pero naglagay siya ng pulang bulaklak ng gumamela sa likod ng kaliwang tainga niya. Gumala siya't nakisalamuha sa mga babae sa nayon at nang dumating ang oras ng paghahanda ng tanghalian, gumala siya sa kusina at nanood sa preparasyon ng pagkain. Napahiya ang mga babae sa nayon sa pagtanghod niya at tinangka ng mga ito na siya'y ipagtabuyan, pero sabi ng mga kabataang babaing taga-Bangkok ay dapat talaga silang humanap ng pagkaing maibibigay sa kanya. Awang-awa ang mga ito sa kanya kaya walang naglakas-loob na tumanggi. Naglunoy si Mai Somsong sa atensiyong inuukol sa kanya ng mga kabataang babae at punung-puno ng interes na pinanood niya nang kunin ng mga babae ang kanilang tubo ng lipistik at pintahan ang kanilang mga labi pagkatapos kumain. Nainteres siyang mabuti sa matingkad na pulang kulay ng lipistik, at itinuro niya iyon at sabi niya, "Bigyan mo ako ng isa."
Sa harap ng gimbal na mga mata ng mga babaing taga-nayon, na lubhang napahiya sa inasal ni Mai Somsong, isang kabataang babaing taga-Bangkok ang nag-abot kay Nang ng tubo ng lipistik.

"Ay, huwag mong ibigay sa kanya. Medyo luka-luka iyan."
"Di bale. Marami naman ako." Ang kabataang babae, na ang labi'y napipintahan ng pula, ay ngumiti sa kanila ng matamis.
Sinambot
ni Mai Somsong ang tubo ng lipistik at nagmamadaling umuwi sa bahay bago iyon
bawiin ng taong nagbigay sa kanya. Nang makauwi,namalagi na sa bahay si Nang at
ayaw nang lumabas uli.
Nang gabing iyon, sinuman kina Fak o Mai Somsong ay hindi na nanood ng palabas. Si Fak ay natatakot lumabas sa dilim at si Mai Somsong ay natatakot pa rin na kailanganin niyang isauli ang lipistik, kaya hindi nangahas na lumabas…

Ang mga bagong kuti, na nakahilera sa
magkabilang gilid ng lupa ng templo, ay napakaganda. Itinayo sila sa
tradisyunal na istilong Thai at dalawang palapag ang itaas. Sa gitna ay an
kogedor at ang itaas ay ang bulwagang dasalan. Paglatag ng dilim, ang templo ay
naiilawan ng de-koryenteng liwanag.
Regular na naglilitawan ang mga antena ng
telebisyon sa bubong ng mga bahay ng mga taong may kaunting pera. Para sa mga
taong nangangarap pa lang ng telebisyon, kailangan nilang pumunta at makipanood
sa bahay ng kanilangkapitbahay o kaibigan.
Ang
modernisasyon na dumating sa nayon, hindi nagtagal ay nagging ordinaryong bagay
na lang dahil kinasanayan na iyon ng mga tao at ang tuwang naghari noong unang
ikinabit ang koryente ay namatay na.
Gusto ng ilan sa kanila'y itaboy nang tuluyan si Fak sa nayon dahil wala namang pakinabang ang sinuman sa pagiging narito nito, liban sa nagagamit nila ito bilang masamang halimbawa kapag tinuturuan nila ang mga bata. Ang tanging bagay na pumipigil sa kanila'y si Luang Pho na tumatangging ipagtabuyan si Fak, dahil doon ito nanirahan sa lupa ng templo.

Kasabay
ng pagkakaroon ng interes kay Fak, tumitingkad ang pagiging abnormal ng
kundisyon ng lalaki. Lalo pang nanilaw ang kanyang balat na para bang
pinulbusan niya niya ang sarili ng tumeric, at iba't ibang bahagi ng kanyang
katawan ang tinubuan ng mga pasa at namumula-namemerdeng mga marka. Ang
sakong niya ay lubhang namaga na para bang namemeligro na iyong pumutok, at
bagama't ang katawan niya'y patpatin at tuyo, malaki't namamagaang kanyang
tiyan, ang nagbibigay sa kanya ng itsura ng isang buntis na babae.Nag-aalsahan
ang mga ugat sa kanyang tiyan, at, hindi pa yata sapat iyon, lumaylay at lumaki
ang kanyang mga suso na tulad sa isang nagdadalaga.Kinukutya siya ng ilang tao
sa pamamagitan ng pagsasabing, "Lumalaki ang suso ni Ai Fak at siya
ay buntis. Hindi magtatagal at manganganak na iyan." Sabi pa ng iba'y
nabuntis siya ni Mai Somsong. Sabi naman ng iba'y napalitan ang kanyang katawan
ng katawan ng isang babae dahil inasawa niya ang asawa ng kanyang ama.
"Karma. Nakakarma siya sa harap mismo ng ating mga mata."
Sa nagdaang panahon si Fak ay ginagamit bilang magandang halimbawa ng isang mabuting kabataan sa nayon, pangangaralin ng mga magulang ang kanilang mga anak sa pamamagitan ng pagsasabing,
"Bakit hindi kayo tumulad kay Fak?"
At ngayon, si Fak ay minsan pang ginagamit na halimbawa upang ipakita na hindi na kailangang maghintay pa muna ng kamatayan para tanggapin ang resulta ng masasamang gawa o para mahulog sa impiyerno. Tumatanggap na siya ng kaparusahan ngayon, dito sa buhay na ito.
"Gawin n'yong halimbawa si Ai Fak."
Hindi ganap na tamang sabihin na si Fak ay lubos na walang silbi sa nayon, dahil, manaka-naka kapag nagloloko ang mga bata o ayaw magpakatino, tatakutin sila ng kanilang mga ina sa pamamagitan ng pagsasabing, “Pag hindi ka huminto sa kaiiyak, darating si Ai Fak para kunin at isama sa kanya."
Pag narinig na nila ito, hihinto na agad sa pag-iyak ang mga bata at uupo roon nang walang kilos sa matinding takot.
Ilan
sa mga batang lalaki na nakakakita ng kasiyahan sa panunudyo at kapilyuhan ang
nagsasamantala nang husto sa hitsura ni Fak para magkatuwaan sila. Tutuksuhin
nila at tutudyuin si Fak hanggang sa habulin sila nito at sikaping hulihin.
Pero walang paraan para mahuli ng mataba at tamad na katawan ni Fak ang mga
bata. Pag nanunudyo, ang isinigaw nila,
" Ai Fak, lasenggo, pinaghuhubad niya ang asawa niya!"
" Ai Fak, lasenggo, pinaghuhubad niya ang asawa niya! "magpapalakpakan ang iba pang mga bata sa paligid at didilaan si Fak at ngingiwian pag dumaan ito sa tapat nila. Oras na nagalit na si Fak at hinabol na sila, magtatakbuhan na ang mga ito at kakalimutan na ang kanilang mga kaibigan. Bahala na ang isa't isa sa sarili nilang kaligtasan.Tinangka ni Lung Khai na patigilin siya sa pag-inom, pero huli na. Hindi titigil si Fak at ni hindi niya iniisip ang posibilidad ng pagtigil. Pinayuhan siya ni Lung Khai na pumunta sa kabayanan at magpatingin doktor, pero ganito lag ang isinasagot ni Fak,

"Ayos lang ako. Wala akong sakit."
At ayon sa pagkaunawa ni Fak sa salitang "Ayos," ayos si Fak at magpapatuloy na ganoon, kahit papalapit na ang panahon ng taglamig. Ang totoo, sa ganang mga taganayon, hindi talaga istorbo ang panahon ng taglamig, dahil ang panahon ay hindi singlamig ng ibig ipakahulugan niyon. Lumalamig lang nang kaunti ang panahon at nagiging mas maginhawa.
Ika ilang baitang ito?
TumugonBurahin9
Burahin9
BurahinAno pong sanggunian Ang ginamit?
TumugonBurahinAng ganda ng nobelang ito..
TumugonBurahin